Maituturing na umano na wala ng impluwensiya ng New People’s Army ang Pangasinan ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Sa pahayag ni Esperon sinabi nitong sa buong Rehiyon uno binabantayan na lamang umano ang natitirang limang miyembro ng Kilusang Larangan Guerilla sa Southern Ilocos Sur.

Dagdag naman ni Esperon na binabantayan na ng kanilang brigade ang kanilang pagkilos upang hindi na ito makabalik pa sa lugar.

--Ads--

Pagsasaad din ni Esperon na may nakalaang pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC tulad ng mga halfway houses para sa mga gustong mag-balikloob na mga NPA at mayroon ding nakaantabay na mga livelihood programs.

TINIG NI NATIONAL SECURITY ADVISER HERMOGENES ESPERON JR.