Dagupan City – Kabilang na ngayon ang Pangasinan language sa limang Filipino Language sa Google Translate.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, ikinagalak ng buong Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang magandang balita na hatid sa mga Pangasinense.

Bagama’t regional language kasi ito ay idineklara na rin ang lingguwahe bilang isa sa main language sa bansa na kinabibilangan rin ng Bikol, Hiligaynon, Kapampangan and Waray.

--Ads--

Kaugnay ito sa inilabas na bagong Google Translate na sumusuporta sa 133 languages dahil sa innovative PaLM 2 large language model.
Nakikita naman ito ng bise gobernador bilang daan sa pagpapalakas ng turismo, at lokal na produkto sa Pangasinan.