DAGUPAN CITY- Nagbahagi ang Pangasinan Kadiwa ng Kapitolyo Exhibitors Association ng mga proseso at alituntunin para sa mga interesadong negosyante upang maging bahagi sa paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo sa lalawigan.

Layon ng panghihikayat na makapagbigay ng oportunidad sa mga lokal na negosyante mula sa Micro, Small and Medium Enterprises o MSME’s na maipakilala ang kanilang mga murang produkto sa mga mamimili sa lalawigan at kumita ng sapat.

Target naman ng programa ay makapagbigay o makapaghatid ng dekalidad at murang produkto sa mga Pangasinense na mas mura ang presyo sa merkado.

--Ads--

Sa Pangasinan, mayroong 30 ang mga bilang ng rehistradong Exhibitors na nakikilahok sa kaganapan na isinasagawa sa ibat ibang bayan sa lalawigan.

Ayon kay Jonathan Jose Patawaran, ang Presidente ng nasabing asosasyon na sa mga nais maging bahagi ng kanilang grupo ay makipag-ugnayan lamang sa opisina ng gobernador sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office at kapag naaprobahan ay mapapabilang na sila sa grupo.

Maaring sumali o maging miyembro ang bawat isa na may mga produktong binibenta na maituturing na kanilang sariling gawa ngunit may mga kailangan pang isaalang-alang dito.

Ayon kay Rammy Sison ang Agribusiness on Marketing Service Coordinator ng Pangasinan Provincial Agriculture Office na bago maging miyembro nito ay dapat may legal personalities gaya ng pagiging rehistrado sa CTA, SEC, DOLE, kabilang din ang DTI para sa kanilang business permit dahil importante sa pagbebenta lalo na sa mga pagkain ay dumadaan sa sanitary inspection upang mabigyan ng Sanitary permit dahil nais nilang mayroong food safety ang mga produkto sa kadiwa..

Pagbabahagi naman nito na ang mga rehistradong Exhibitors ay maaring umikot sa buong lalawigan kapag may kaganapan sa isang bayan, lungsod o LGU habang hinihikayat naman ang Municipal Agriculture Office na tawagin ang mga lokal na magsasaka upang makilahok din sa bazaar para matulungan na maibenta ang kanilang produkto.

Saad naman ni Sison na posibleng gawing linguhan ang Kadiwa ng Pangulo Bazaar sa lalawigan na kanilang pinag-aaralan dahil ang ilang LGU ay once a month itong ginagawa habang ang iba naman ay twice a month.

Nakadepende din aniya sa magiging demand ng mga produkto at hinahanap ng tao ang paglulunsad nila ng nasabing bazaar para sa mga pangasinense.