Dagupan City – Nagsasagawa ang NIA Pangasinan Irrigation Management Office o PIMO ng desiltation activity sa mga Irrigation Canal sa lalawigan bilang paghahanda para sa tag-ulan.
Ang desiltation activities ay ginagawa upang maaalis ang mga bara at sediment sa mga daanan ng tubig sa mga kanal upang matiyak ang maayos na daloy ng tubig patungo sa mga sakahan.
Layunin ng nasabing proyekto na maihanda ang mga magsasaka sa nalalapit na panahon ng tag-ulan.
Dahil ang maayos na daloy ng tubig ay mahalaga upang maiwasan ang pagbaha at matiyak ang sapat na suplay ng tubig para sa mga pananim.
Inaasahan din na maiiwasan ang mga posibleng pagkasira ng mga istraktura ng irrigation system dahil sa pagbara ng mga kanal.
Ang patuloy na paglilinis ay isang mahalagang hakbang upang mapanatili ang kahusayan ng irrigation system at maiwasan ang mga potensyal na problema sa hinaharap.
Samantala, isang malaking tulong ito sa mga magsasaka sa Pangasinan upang magkaroon sila ng masaganang ani.