BOMBO DAGUPAN – Gusto kong maipakita na ang lalawigan ng Pangasinan ay hindi lang magandang lugar kundi maraming masarap na pagkain na puwedeng matikman.
Ito ang pahayag ni Rodz Manandeg Jr., Vlogger ng The Pangasinan Nomad, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan patungkol sa content ng kanyang mga feature sa facebook page kung saan ay tinatampukan ng mga pook pasyalan, pagkain at heritage sa lalawigan .
Paliwanag din niya na Pangasinan Nomad ang pangalan ng kanyang facebook page na nangangahulugan na walang permanenteng address dahil mahilig siyang mag biyahe.
Nag simula siyang maging vlogger nang ulanin siya ng maraming nagtatanong kung saan ang magandang pasyalan sa Pangasinan.
Noong una ay puro larawan lang umano ang pinapakita hanggang sa nasubukan niya ang vlogging.
Bukod sa lalawigan ng Pangasinan ay pinupuntahan din niya ang ibang lugar sa loob at labas ng bansa.
Pero ang focus niya talaga ay ang mga magagandang lugar sa Pangasinan na puwedeng mapuntahan dahil gusto rin niyang magalugad ang mga iba pang pook pasyalan na hindi pa alam ng ilan.
Dagdag pa niya na hindi mawawala ang mga bashers kaya payo niya sa nais na mag vlog na ito ang kanilang paghahandaan.