Tumanggap ang Narciso Ramos Sports and Civic Center sa bayan ng Lingayen ng mga evacuees mula sa mga naapektuhan ng Bagyong Pepito mula kagabi.

Dahil sa naging epekto ng bagyo ay nagsagawa sila ng pre-emptive evacuation.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pangasinan Governor Ramon Guico III, patuloy ang pagbibigay nila ng mga pangunahing kailangan ng mga lumikas kagaya ng hygiene kits at food packs.

--Ads--

Mula naman kaninang alas dose ay pinayagan na ng pamahalaang panlalawigan at mga brgy. officials ang ilan sakanila na makauwi.

May mga nagnanais na makauwi ng mas maaga pa mula pa kanina ngunit hindi pa itinuring na cleared ang mga lugar na kanilang uuwian kaya naman hindi pa sila pinayagan.

Sa ngayon ay patuloy din ang pag-aalaga nila sa mga lumikas sa evacuation center.

Ang mga evacuees ang siya namang priority nila ngayon kung saan nagsasagwa rin sila ng free medical check-up upang masiguro ang maayos na kalagayan at kalusugan ng mga lumikas.

Dagdag pa ni Gov. na patuloy din ang kanilang pag kalap ng mga impormasyon o data patungkol naman sa mga naapektuhan mula sa MDRRMO ng iba’t ibang bayan.

Wala pa mang konkretong datos, ngunit nakakasiguro naming walang maitatalang casualty.

Nagsawa rin siya ang aerial observation at dito ay napansin ang ilang mga lugar na nabaha particular na ang mga lugar na malapait sa coastal area.

Samantala pinasasalamatan naman ni Gov. ang mga lokal na pamahalaan ng mga iba’t ibang bayan dahil sa epektibo nilang pakikipag-ugnayan st koordinasyon sa pamahalaang panlalawigan.