Pag-aaralan pa ni Pangasinanng panukalang pagpapatayo ng nuclear power plant sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa gobernador, pangunahing isinasaalang-alang ng pamahalaang panlalawigan ang kaligtasan ng mamamayan, lalo na’t sensitibo ang usapin pagdating sa nuclear energy.

Aniya, bukas siya sa posibilidad ng pagkakaroon ng mas murang kuryente para sa lalawigan, basta’t masisiguro ang kaligtasan at ang itatayong pasilidad ay nasa lugar na hindi prone sa mga kalamidad tulad ng lindol at iba pang natural na panganib.

--Ads--

Dagdag pa ni Guico, mahalaga ring sumunod ang lalawigan sa magiging direksyon at desisyon ng national government hinggil sa usapin ng nuclear power. Kung ano aniya ang magiging basbas ng

Matatandaang mariing tinututulan ng Simbahang Katolika ang planong pagpapatayo ng nuclear power plant sa Pangasinan, dahil sa posibleng panganib nito sa kalusugan at kalikasan.

Samantala, iginiit naman ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Labrador na ligtas ang nuclear energy kung ito ay maayos na pamamahalaan at susunod sa international safety standards.

https://www.facebook.com/share/v/1BxL3uCV9J