Ikinalungkot umano ni Pangasinan governor Amado “Pogi”Espino III ang pagkakalusot sa lalawigan ng mga baboy na apeKtado ng African Swine Fever.
Ito ang inanunsyo sa bombo radyo Dagupan ni Provincial legal officer atty. Geraldine Baniqued matapos makumpirmang 15 mula sa 60 na baboy na ipinasok sa lalawigan mula sa Bulacan ay nagpositibo sa African Swine Fever o ASF.
Aniya, sa kabila ng mahigpit umanong quarantine checkpoint at pagbabantay sa mga boundaries, entry at exit points ay nagawang umiwas ang magbababoy sa animal quarantine checkpoint na ipinapatupad sa mga entry points sa probinsya.
Nabatid na dumaan ang magbababoy sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan dala ang mga baboy mula Bulacan.
Nagdulot aniya ng malaking perhuwisyo ang magbababoy sa kaniyang mga kapitbahay dahil kailangan na ipatupad ng lokal na pamahalaan ang pagpatay sa mga alagang baboy bilang bahagi ng protocol na ipinatutupad ng Department of Agriculture para tuluyang makontrol ang pagkalat ng ASF virus sa nasabing bayan.
Matatandaan na naglabas ng Executive order 92 series 2019 si Pangasinan governor Amado “Pogi” Espino III na nagbabawal sa pagpasok ng mga swine products dito sa lalawigan.