Nagbigay linaw si Pangasinan governor Amado Pogi Espino sa kumakalat na impormasyon na may ilang bayan/siyudad sa ating lalawigan na inirekomenda “for lockdown”.
Sa inilabas na pahayag ng Office of the governor, bagama’t ang mga nasabing bayan/siyudad ay umabot na sa 25% threshold ng Omnibus Guidelines ng National IATF, hindi ito nangangahulugan ng automatikong “lockdown” o kaya’y pagtaas ng antas ng quarantine classification ng bayan o siyudad.
Ang Provincial IATF Covid Management Team ay nanawagan sa mga Local Chief Executives ng mga apektadong lugar na mag-sumite ng inyong request para sa kinakailangang higher quarantine classification sa mga nasasakupan, ayon sa rekomendasyon ng municipal IATF.
Ang nasabing request mula sa alkalde o municipal IATF ng apektadong bayan/siyudad ang magsisilbing pangunahing konsiderasyon ng Provincial IATF Covid Management Team sa pagdedeklara ng angkop na quarantine classification para sa apektadong lugar.