Mariing pinabulaanan ng gobernador ng lalawigan ng pangasinan ang lumabas na artikulo hinggil sa milyon- milyong pesos na nagastos na radio advertisements nito bago pa man ang nalalapit na 2022 eleksyon.

Batay sa public statement na inilabas sa social media page ng Province of Pangasinan na pirmado ni Governor Amado Espino III, tinawag nitong lubhang walang katotohanan, walang basehan at malisyoso ang artikulo na lumabas noong
Nobyembre 28, 2021 sa isang online news media na ito umano ay gumastos ng 92.5 milyon pesos para sa kanyang radio ads.

Inihayag pa ng gobernador na isa umano itong politicaly motivated na nais sirain ang kanyang reputasyon bilang lider ng probinsiya para sa kanyang pagtakbo muli sa pagka gobernador sa darating na halalan.

--Ads--

Sa report na inilabas ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at Nielsen media List, lumabas ang pangalan ni Espino na isa sa mga politiko na sa northern Luzon na malaki ang nagastos sa radio ads na mas mataas pa umano sa paggugol sa mga national position.

Binanggit na top spender si Espino sa nagastos na 92.5 na sinundan ni Mangatarem Mayor Balong Ventinilla sa halagang 60.7 million pesos at San Carlos City mayor ulier Resuello sa nagugol na 9.7 million pesos batay sa nielsen media list.