Dagupan City – Pinababalangkas na ang Guiconsulta o ang Pangasinan Government Unified Incentives for Medical Consultation upang maging modelo sa boung bansa.

Sa naging mensahe ni Dennis Adre, Regional Vice President ng PHIC Regional Office 1, umabot na kasi aniya sa 1.4 milyon ng Pangasinenseng naka enroll dito.

Nauna nang nilinaw ni Adre na wala pang nakukuha ang Pamahalaang lalawigan ng Pangasinan na budget sa PhilHealth taliwas sa mga nagdaang kuro-kuro sa proyekto na mayroong nakalaang P1,700 na matatanggap ang bawaa’t miyembro nito.

--Ads--

Dahil dito, ang P300 na ipinagkaloob ng pamahalaan ng lalawigan ay malaking tulong sa mga nagparehistro.

Samantala, nakatakda naman nang maging modelo ang proyekto matapos na purihin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pangunguna nito sa pagpapa-enroll ng humigit-kumulang 1.4 milyong residente ng Pangasinan sa programang Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) sa pamamagitan ng Pangasinan Government Unified Incentives for Medical Consultation (GUConsulta) project.

Ayon sa PhilHealth, nasa 600,945 Konsulta members na ang nakinabang at nakaranas na ng unang konsultasyon o first patient encounter.

Ang programa ay mayroong nakapaloob na konsulta package isang libreng outpatient benefit package na sumasaklaw sa konsultasyon, health screening at assessment, piling laboratoryo at diagnostic tests, at piling gamot na maaaring makuha sa mga PhilHealth-accredited na pasilidad o ospital.