DAGUPAN CITY– Hiniling ni Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino III ang pakikipagtulungan ng mga alkalde maging ng mga barangay officials sa kanilang isinagawang pagbabantay sa mga nagtatangkang magpuslit ng mga baboy sa probinsiya dahil sa banta ng African Swine Fever.

Itoy matapos na maipuslit ng isang biyahero mula sa lalawigan ng Bulacan ang mga alagang baboy sa Brgy Baloling Mapandan kung saan nagpositibo ang ilan sa mga ito sa ASF.

Ayon kay Governor Espino, maraming maluluwag na iskinita sa probinsiya na maaring daanan ng mga magtatangkang magpuslit ng baboy mula sa ibang lalawigan kayat hiling nila ang tulong ng mga ito.

--Ads--

Tiniyak naman ni Espino na mahigpit ang isinasagawang quarantine checkpoint at pagbabantay sa mga bounderies sa lalawigan na ipinapatupad sa mga entry points sa probinsiya.

Nauna rito naglabas ng Executive order 92 series of 2019 si Gov. Espino na nagbabawal sa pagpasok ng mga swine products dito sa lalawigan.