DAGUPAN CITY- Agarang aksyon bago pa makalapit ang bagyo ang nakagawian nang gawin ng Pangasinan Association of Local Disaster Risk Reduction Management Office upang magkaroon ng sapat na paghahanda.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josephine Robillos, Officer sa nasabing ahensya, bago pa ang Bagyong Nika ay naka-activate na ang mga barangay risk reduction and management council.
Aniya, kinakausap nila ang mga otoridad sa mga barangay at maging mga low lying areas para sa pagpapatupad ng pre-emptive o force evacuation.
Institutionalized na sa kanila ang paghahanda sa bagyo kaya hindi na naging mahirap na pamahalaan ang kanilang nasasakupan.
Kaya sa mga nagdaaang bagyo ay hindi na nagdulot ng pinsala sa kanilang lugar at ang pagbaha na kanilang naranasan ay hindi na rin kataasan.
Ibinahagi rin ni Robillos na naani na rin ang mga tanim na palay at tapos na rin ang pamumulaklak ng mga puno ng mangga kaya wala rin naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura.
Pagdating naman sa bagyong Nika, hindi ito nagparanasan ng kalakasan ng hangin at ulan kaya wala rin silang naging problema.
Nagpaalala naman si Robillos ng parating pag-iingat lalo na sa tuwing may sama ng panahon.