DAGUPAN, CITY— Pinabulananan ni Pangasinan 2nd District Representative Jumel Espino na kabilang siya sa mga kongresista na pumirma sa isang manifesto na sumusuporata kay House Speaker Alan Peter Cayetano kasunod ng pagkakahahal kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang House Speaker.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cong. Espino, kanyang pinabulaanan na hindi umano siya pumirma sa naturang manifesto dahil bumoto ito pabor kay Velasco.
Sinabi rin niya na nagtataka ito kung bakit nasali ang kanyang pangalan kahit hindi naman ito nagbigay ng suporta kay Cayetano.
Nabatid na ang naturang manifesto ay naglalaman ng suporta mula sa mga lumagdang kongresista para pagtibayin sa lalong madaling panahon ang pambansang pondo sa 2021 at pagkakaisa na pagtibayin ang mga measures laban sa COVID-19 pandemic.
Matatandaang kahapon lang nang pinirmahan ng mahigit 200 kongresista ang naturang manifesto kabilang na ang mga kongresista na present sa sesyon.