Magtatapos na bukas ang election sa Estados Unidos at puspusan na ang pangangampanya ng dalawang kandidato sa pagkapangulo lalo na sa mga key swing states.
Ayon kay Bradford Adkins Bombo International News Correspondent USA ay net to net na ang labanan at nagiging madugo na ang kampanya.
Bagamat ay hindi pa siya nakakaboto sa ngayon base naman sa kaniyang pagbisita sa mga election sites ay wala pa aniyang masydong pila ngunit madami ng mga staff na nagfvovolunteer.
Nagkalat na din ang security personnels gayundin ang mga machines ay handang handa na.
Dahil nakaboto na halos ang mga regsitered voters doon ay maaari parin naman aniyang magregister sa parehong araw ang mga eligible na citizens.
Pagbabahagi naman nito na ang boto niya ay para kay dating pangulong Donald Trump dahil 13 na taon ang nakalilipas at hindi pa man pangulo ito noon ng kaniyang mapakinggang magsalita ay nakita na niya kung anong klaseng lider ito.
Samantala, noong nanalo naman ito noon ay naramdaman niya ang pagkakaiba sa pamamahala sa amerika.
Bukod pa rito ay align daw aniya ang kaniyang beliefs sa mga paniniwala ni Trump.