Pinawi ni National Security Council Adviser and Director General Hermogenes Esperon Jr., ang pangamba ng publiko kaugnay sa kumakalat na umano’y banta ng terrorismo sa ilang bansa sa Southeast Asia kabilang ang Pilipinas.

Paliwanag ni Esperon, ang bantang pag atake ay base sa namonitor na pronouncement ng Japan sa umano’y banta ng terrorismo sa Southeast Asia bilang selebrasyon ng Taliban sa Afghanistan.

Base pa sa information, target umano ng grupo ang mga simbahan.

--Ads--

SInabi nito na walang dapat ikaaalarma at ikabahala ang publiko dahil naniniwala ito na may sapat na kakayahan ang Pilipinas upang mapigilan ang pag-atake ng terrorista sa pamamagitan ng combined security forces sa bansa.

National Security Council Adviser and Director General Hermogenes Esperon Jr.

Ang banta ng terrorismo sa bansa ay sinasabing pangarap lamang iyon ng marahil nagpapanggap ng isang malaking lider ng terrorista na gustong umatake at nais sabayan ang Taliban na ngayon ang nakaka-angat sa Afghanistan.