Muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ngayon linggo bilang pangalawang linggo sa pagkakaroon price hike.
Sa magkahiwalay na mga abiso, magtataas ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Flying V, Petron Corp., Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. sa kada litro ng gasolina at kerosene ng P0.80. Habang ang diesel naman ay magtataas ng P0.90.
Pareho din ang ipapatupad ng Cleanfuel, Petro Gazz, at Unioil Petroleum Philippines Inc., maliban na lang sa kerosene na kanilang hindi dala.
--Ads--
Magkakabisa ang pagsasaayos na ito bukas ng alas-6 ng umaga habang ang ibang kumpanya, maliban sa Cleanfuel, ay bukas ng alas-4:01 ng hapon.