Bagamat kinilala ang pagbanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilang programang pang-edukasyon sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), binigyang-diin ni Arlene James Pagaduan, Presidente ng Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers (ASSERT) Central Luzon, na marami sa mga ito ay nananatiling pangako lamang.
Aniya, mainam ang intensyon ng pamahalaan, ngunit ang tunay na sukatan ay ang aktwal na pagpapatupad.
Saad nito na magaganda ang binanggit tungkol sa edukasyon, ngunit karamihan ay nasa anyo pa rin ng pangako.
Kung saan umaaasa ito maisakatuparan ang mga ito, lalo na’t panahon na ng SONA nang banggitin ng Pangulo ang ₱7,000 medical allowance para sa mga guro pero hanggang ngayon, hindi pa rin nila natatanggap.
Dagdag pa niya, ang ilang matagal nang panawagan ng mga guro ay hindi pa rin natutugunan, kabilang ang ganap na pagpapatupad ng Magna Carta for Public School Teachers.
Binanggit din ni Pagaduan na kailangang may sapat na pondo para sa mga proyektong gaya ng digitalization at paglalaan ng updated instructional materials.
Nanawagan din siya na bigyang pansin ang kapakanan ng mga guro, lalo na sa panahon ng kalamidad.
Dahil kahit apektado ng kalamidad hindi nakakalimot ang mga ito sa kanilang tungkulin.
At hiling nila na sana ay kilalanin ang kanilang sakripisyo at hindi lamang salary increase ang gawin, kundi salary correction kanilang panawagan.
Samantala, hinimok naman niya ang Department of Education at iba pang sektor na magtulungan upang maisakatuparan ang mga programang makatutulong hindi lamang sa mga guro kundi sa buong sektor ng edukasyon.