DAGUPAN CITY- Inaasahan ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) ang pinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-4 na State of Nation Address nito na pagsuporta sa sektor ng transportasyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Liberty De Luna, National President ng nasabing grupo, isang magandang bagay ang muling pagbuhay sa Love Bus upang makatulong sa mga walang pamasahe.
Subalit, patuloy nilang hinihiling ang sabsidiya upang masuportahan ang kanilang pag-utang para sa kanilang korporasyon.
Tiyak rin siya na pagtutuonan pa ng pangulo ang progreso ng Public Utility Vehicle Modernization Program.
Maliban pa riyan, hiling din ni De Luna ang mas organisadong pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa pamamagitan ng pagkakaroon ng log book sa mga korporasyon at kooperatiba.
Samantala, ‘very significant’ ang komento ni De Luna sa kakatapos na SONA ni Marcos.
At sa nalalabing tatlong taon ng pangulo, bigyan aniya ito ng pagkakataon na tuparin ang mga pinangako nito.