Tumaas ang pandaigdigang presyo ng langis habang patuloy na nagsasagawa ng mga pag-atake ang Iran sa iba’t ibang bahagi ng Gitnang Silangan bilang tugon sa nagpapatuloy na pag-atake ng US at Israel.
Ang Brent crude, ang pandaigdigang batayan ng presyo ng langis, ay tumaas ng 10% at umabot sa mahigit $82 kada bariles noong Lunes matapos atakihin ang hindi bababa sa tatlong barko malapit sa Strait of Hormuz noong katapusan ng linggo.
Sumirit din ang presyo ng natural gas ng hanggang 25%.
Nagbabala ang Iran sa mga sasakyang-dagat na huwag dumaan sa mahalagang daluyan ng tubig sa timog ng bansa, kung saan dumaraan ang humigit-kumulang 20% ng suplay ng langis at gas ng mundo.
Sa London, nagbukas ang FTSE 100 stock market index na halos 1% ang ibinaba, at bumagsak ang halaga ng mga bahagi ng mga airline matapos isara ang airspace sa buong Gitnang Silangan.









