DAGUPAN CITY- Iba-iba ang maaaring maging epekto sa oras na maipatupad ang taas pasahe mula 13 piso sa 15 piso na minumum fare sa dyip depende sa maaapektuhan nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jaime Aguilar, Secretary General ng National Confediration of Transportworkers Union, mabigat ang ninanais na pagtaas ng pamasahe lalo at walang nilabas na Legislative Wage ukol sa nasabing isyu.
Aniya, hindi dapat sisihin ang mga tao dahil obligasyon ng gobyernong tugunan at pangalagaan ang kalagayan ng mga mamamayan.
Nais naman ng grupo na ilabas na ang pondo upang maging maayos na ang lahat.
Positibong balita naman ito sa mga drayber o tsuper dahil magiging daan ito ng kanilan kaunting kaginhawaan.
Dagdag niya, matagal nang idinadaing ng mga mananakay ang problema sa krudo kaya’t hanggang ngayon ay mayroon pa ring ganitong mga petisyon.
Panawagan naman ng grupo na sana ay paigtingin pa ang mga isinasagawang programa ng pamahalaan at pakinggan ang daing ng mga mamamayan.