Tuloy pa rin ang panawagang clemency para kay Mary Jane Veloso lalo na at nakauwi na ito sa Pilipinas.

Ayon sa panayam ng Bombo radyo Dagupan kay Atty. Arman Hernando, Chairperson ng Migrante International, nakakagalak ang pag-uwi ni Mary Jane Veloso sa bansa.

Aniya, naging emosyonal ang para sa pamilya ni Mary Jane ang pangyayaring ito dahil sa sobrang kagalakang nararamdaman ngayon.

--Ads--

Dagdag niya, totoong nakakatuwa ang mga pangyayari sa ngayon ngunit hindi pa rin naaalis ang panawagang clemency para sa kababayan.

Sana ay wala na umanong matulad sa naging sitwasyon ni Mary Jane at patuloy na makita nang mas malawakan ang ganitong mga proseso sa Justice System ng bansa.

Dapat ding i-acknowledge ang naging effort ng dalawang gobyerno upang gawing posible ang pag-uwi ni Mary Jane sa Pilipinas.

Nagbukas din umano ng oportunidad ang gobyerno ng Indonesia na makalaya si Mary Jane kung saan kung gagawaran ng clemency ang nasabing kababayan ay walang kaso sa kanilang gobyerno.

May nakita ring kaunting pagkilala sa adminsitrayong Marcos Jr., sa mga maaaring sapitin ni Mary Jane at mga sikrumstansiya nito.