DAGUPAN CITY- Isinusulong ngayon ang panawagan para sa paggalang at pagpapahalaga sa Watawat ng Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Eufemio Agbayani III, isang Historical Sites Researcher mula sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), kahit saang parte titingnay ay mahalaga ng paggunita sa tagumpay ng mga Pilipino sa laban para sa kalayaan sa nalalapit na pagdiriwang ng National Flag Day.

Hinihikayat ang lahat ng mamamayan na ipakita ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagsasabit ng watawat ng Pilipinas sa mga tahanan, opisina, at paaralan.

--Ads--

Aniya, ang watawat ay simbolo ng pagkakaisa, sakripisyo, at kalayaan ng bansa, maging ang mga kulay nito ay may malalim na kahulugan.

Sa kasalukuyan, ang pagwagayway ng watawat ay makikita hindi lang sa mga seremonyang pampulitika kundi pati sa tagumpay ng mga atletang Pilipino at sa mga laban kontra sa mga banta sa soberanya ng bansa.

Dagdag niya, kapag ito ay sira o kupas na, dapat itong marangal na ibinababa, tinutupi, at sinusunog sa isang ritwal na may respeto.

Ipinagbabawal din ang paggamit ng watawat sa mga hindi angkop na paraan, tulad ng dekorasyon o kasuotan.