ERIN

DAGUPAN CITY – Inaasahan na tatagal pa ng isang linggo ang pananalasa ng Hurricane Erin sa ilang bahagi ng Estados Unidos.

Ayon kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa US, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kailangan na maghanda ng pagkain ang mga tao na maaring ikonsumo sa loob ng 5 araw.

Ilan sa mga naapektuhang estado ay ang Florida, Georgia, Alabama at iba pang nasa East coast area ng nasabing bansa. Kasalukuyang tinatahak ng bagyo ang katubigan ng Atlantic Ocean.

--Ads--

Matatandaan na itinaas ng National Hurricane Center ang status ni Erin sa Category 5, ang pinakamataas na antas sa Saffir-Simpson scale, na may maximum sustained winds na 160 mph (260 km/h) .

Mula sa isang tropical storm noong Biyernes, mabilis na lumakas si Erin sa loob lamang ng 24 oras

Si Erin ang unang bagyo ng 2025 Atlantic hurricane season at naging ika-limang recorded Category 5 na bagyo sa ganitong panahon.