DAGUPAN CITY- Hindi na kinakailangan pang dumaan sa oath taking si Vice President Sara Duterte sa budget deliberation dahil dumalo siya bilang isang resource speaker at hindi bilang witness.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Francis Dominick Abril, Legal/Political Analyst, kinakailangan pa din ni VP Duterte na seryosohin at sumagot nang tama sa mga katanungan bilang parte ng kaniyang sinumpaang tungkulin sa bayan.

Kailangan niyang ipakita na may pananagutan siya sa publiko at hindi dapat gamitin ang “technicality” ng pagdinig upang takasan ito.

--Ads--

Aniya, hindi na mawawala ang bahid ng politika sa bawat kwento kaya dapat maging deretso na lamang sa pagsasagot ang bise presidente at hindi na haluan ng argumentong may “ad hominem.”

Kung totoo din na gagamitin ito sa pag-impeach sakaniya, hindi niya dapat din pigilan ang House of Representatives dahil kabilang din ito sa kanilang trabaho at kapangyarihan. Gayunpaman, masyado lamang itong inooverthink ni Duterte at nais lamang ng kamara na busisiin ang budget ng OVP

Sinabi din ni Atty. Abril na ang opisina ng bise presidente ngayon ang may mahirap na depensahan kumpara sa mga nagdaang bise presidente dahil sa ipinapakita ng kasalukuyang bise presidente.