Puspusan na ngayon ang ginagawang paghahanda sa pamamagitan ng paglilinis ng mga tauhan ng Tondaligan Shed Owner Association sa One Bonuan Clinic dahil inaasahan na itong mabubuksan sa buwan ng Pebrero.
Ayon kay Resty Tamayo ang pinuno ng nasabing asosasyon na sila ay inutusan ng alkalde upang mag-linis dito kung saan nasa 12 silang mga tao na nagkatoka dito para mapaghandaan ang nalalapit na pagbubukas nito.
Aniya na inaasahan nilang nasa 1 linggo pa ang kanilang gagawing paglilinis dito para masiguradong pulido ang pagtanggal sa mga damo at dahil sa paligid nito.
Saad nito na naipatayo aniya ang nasabing pasilidad noong 2014 batay sa mga dating nagtatrabaho sa Tondaligan at nagamit noong kasagsagan ng Covid-19 na pinaglagyan ng mg Covid Patient ngunit nahinto noong 2022.
Nasa 3 taon din itong hindi nagamit dahil sa kakulangan ng pondo para maayos ito ngunit ngayon ay may nailaan nang pondo para dito ng Lokal na pamahalaan ng Dagupan.
Magiging pareho ito ng superhealth center na naipatayo sa ilang lugar sa Dagupan gaya sa Barangay Bolosan at Barangay Malued.
Dagdag nito na malaking bagay at tulong sa 3 barangay ng sa One Bonuan gaya ng Bonuan Gueset, Bonuan Boquig at Bonuan Binloc kung saan sila ang mabebenepisyuhan nito at mga indibidwal na darayo sa Tondaligan Beach.
Hindi na aniya sila pupunta sa mga Ospital sa bayan para magpagamot, magpacheck-up o maging animal bite dahil maari na din silang pumunta dito.
Nagpahayag ito ng pasasalamat sa ganitong hakbang ng LGU Dagupan dahil magbibigay ito ng maayos na tugon para sa kalusugan ng mga residente sa nasabing lugar.