Dagupan City – Kakaunti pa lamang ang nakapagbayad ng permit na mga shed owners sa Tondaligan Beach ayon sa Tondaligan Shed Owners Association.

Sa panayam kay Resty Tamayo ang Officer in Charge ng nasabing asosasyon na umaabot pa lamang sa 20 ang mga nakapagbayad ng permit sa kabuuang 152 Shed sa lugar.

Aniya na sa kanilang tala ay nasa 6 ang wala nang record na inaasahang matatanggal na sa listahan, 7 ang hindi pa nakapagbayad noong 2023, habang 10 naman ang hindi pa nagbayad noong 2024.

--Ads--

Mahalaga ang pagkakaroon ng permit upang magpatuloy ang kanilang negosyo sa pagpaparenta ng mga shed o cottage sa lugar dahil kapag hindi pa nakapagbayad noong nakaraang taon ay hindi papayagang magparenta hanggang hindi sila makapagbayad ng mga permit gaya ng Barangay at mayor’s permit.

Aabot sa higit 7 libo din ang binabayaran ng mga may-ari ng Shed na magagamit na nila ng buong taon.

Dahil sa mababang bilang ng mga turista ngayon ay nahihirapan ang mga shed owners na kumita ng sapat na pera para mabayaran ang permit kung saan marami pa sa kanila ang nag-iipon ng kanilang pambayad.

Saad naman ni Tamayo na patuloy ang kanilang pag-iikot para mapaalalahanan ang mga owners na makapagsettle na nito upang hindi na sila magkaproblema dahil ang deadline nito ay sa buwan ng marso.

Nilinaw din niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa paligid ng kanilang mga shed kung saan kailangan nilang linisin ang 15 metro sa harap at likod ng kanilang mga pwesto para mapanatili ang kaaya-ayang kapaligiran sa Tondaligan Beach at maengganyo ang mga turista na bumalik.