DAGUPAN, CITY— Nakahanda ang pamunuan ng Tondaligan beach sa muling pagbubukas nito sa publiko.

Ayon kay Tondaligan Park administrator Dante “Jhun” Cadiz, dinagdagan pa ang lifeguards na nakatalaga sa mga strategic points ng dagat upang agarang makaresponde kapag may sakuna.

Kasunod ng pagbubukas ng naturang beach ay kinakailangan na sundin ng beachgoers ang minimum health standards at social distancing rules upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

--Ads--

Maliban pa rito ay naglagay na rin sila ng mga bagong signages, security fencing, at safety floaters upang maiwasan ang mga insidente ng pagkalunod.

Dagdag pa dito, ang nasabing beach ay mayroon nang hiwalay na lugar para sa fishermen’s boats at para sa water sports, tulad ng skimboarding.

Ang mga uniform sheds na pinayagang mai-set up sa ilang mga lugar sa beach at hinihikayat din nila ang publiko na sumunod sa minimum health standards upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.