DAGUPAN CITY- Nananatiling wala pang naitatalang kaso ng pagkalunod ang tondaligan beach ngayong buwan ng Marso ayon sa pamunuan ng lifeguard sa lugar.
Karaniwan nilang tinutugunan ang mga kaso ng near drowning dahil sa rip current (o sabang), pagkalasing, at mga batang napupunta sa malalim na bahagi ng dagat.
Marami ang mga dumadako ngayon sa lugar para makaligo upang maibsan kahit papano ang mainit na temperatura.
Para kay Ella Oribello ang Team Leader ng mga lifeguard, iniiwasan nilang mapunta ang mga turista sa mga lugar na may rip current dahil ito ang pangunahing sanhi ng pagkalunod.
May mga nakalagay silang pulang bandila bilang babala sa mga malalalim na bahagi, at laging handa ang kanilang mga tauhan na magbigay ng babala sa mga naliligo upang hindi magkaroon ng kaswalidad dito.
Sa kabilang banda, Inaasahan naman ang mga pagbabago sa Tondaligan Beach para sa nalalapit na Semana Santa at summer.
Marami nang proyekto ang sinimulan, kabilang na ang mga groundbreaking at pagbubukas ng mga bagong pasilidad, upang mapabuti pa ang lugar para sa mga turista.