Dagupan City – Nanawagan ang Pamunuan ng Barangay Poblacion Oeste sa lungsod ng Dagupan sa kinauukulan sa agarang pagtugon at pagsasaayos ng Careenan Creek sa kanilang nasasakupan.
Isa sa parte ng kanilang barangay ang Careenan Creek ang palaging nababaha tuwing umuulan at high tide.
Ayon kay Mark Anthony Gutierez ang Punong Barangay, noong 2018 pa nila nirerequest ang pagsasaayos nito dahil ang baha ay umaabot hanggang tuhod o baywang kung saan nasa higit 100 pamilya ang apektado.
Nagsisimula ang pagtaas ng tubig sa lugar tuwing sumasapit na ang tag-ulan na nagtatagal hanggang Octobre kaya patuloy umano ang daing ng kanilang kabarangay doon na sana masulosyunan na ito.
Aniya na dapat na itong mapataasan dahil napataas na ang ilang mga kalsada sa lungsod dahil kung hindi ay talagang mapupunta sa kanilang ang tubig na galing doon.
Kaugnay nito na isa sana ito na dapat matutukan ng Alkalde sa kanyang Flood Mitigation Program dahil hindi kaya ng budget ng Barangay kung saan umaabot umano sa 30-40 milyon pesos ang magagastos dito.
Saad pa nito na gumagawa naman umano sila ng kaparaan o remedy dito sa pamamagitan ng paglalagay ng pathways ngunit ang iniisip nila ay subrang rupok na ng creek kaya baka bumagsak pa at maging mas magiging malaking problema ito sa kanilang barangay.
Samantala, hindi naman sila tumitigil sa pagpapasa ng resolusyon sa munisipyo para maipaabot ang kanilang daing sa problemang ito.