BOMBO DAGUPAN – Patuloy na nagsasagawa ang pamunuan ng Barangay Pantal ng clean-up drive upang unti-unting masolusyunan ang problema sa basura sa Pantal River.
Sa naging panayam ng Bombo Rady Dagupan kay Julita Perez ang Brgy. Captain sa nasabing lugar na laging silang nagsasagwa ng paglilinis sa kanilang nasasakupan upang kahit papaano ay mabawasan nga ang problema sa basura sa nasabing ilog.
Kaugnay nito ay nakipag-ugnayan din sakanila ang Pangasinan Environment and Natural Resources kung saan kada ikalawang linggo ng bawat buwan ay naglilinis sila dito sa pakikipagtulungan naman ng Philippine Coast Guard at iba pang mga aktibo sa gawaing ito.
Karamihan nga sa mga nakukuha nilang basura ay nanggagaling sa ilang mga munisipalidad at ilang mga barangay sa lungsod ng Dagupan na naiaagos lamang sa kanilang ilog.
Sinusunod nga ng kanilang barangay ang RA. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na may kaugnayan pa rin sa programa ng lungsod na Goodbye Basura.
Samantala, ay nakikiusap naman ito sa kanyang mga kabarangay na makipagtulungan sa segregation gayundin ang pagsunod sa iskedyul sa pagtatapon ng basura.