Dagupan City – Pinaghahandaan na ng Barangay Bued sa bayan ng Calasiao,Pangasinan ang panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Barangay Bued Captain Allan Roy Macanlalay, may mga ilang parte umano sa kanilang nasasakupan ang nababaha partikular na ang mga malalapit sa ilog.
Aniyam nakatakdasilang magsagawa ng clean up drive partikular na sa mga drainage at kakalsadahanat hinimok naman nito ang mga residente na ibigay ang suporta sa mga isinasagawang proyekto at programa upang maiwasan ang anumang negatibong epekto nito.
Dagdag pa ang programa ng Department of Labor and Employment’s na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD na siyang tutulong din sa kanila sa pagpapanatili ng kalinsan sa lugar.
Nagpaalala naman ito sa banta na naman ng dengue sa publiko dahil kaakibat ng tag-ulan ay ang pagtas ng kaso ng mga dengue.