Dagupan City – Itinuturing na Accident Prone Area ang Barangay Bued sa bayan ng Calasiao.
Matatandaan na halos 5 aksidente na ang naitala nito lamang nakaraang linggo sa kanilang nasasakupang, kung saan 2 sa mga aksidente dito ay may nasawi habang ang 3 aksidente ay minor injuries.
Ayon kay Bued Barangay Captain Allan Roy Macanlalay, nagkaroon na umano sila ng pagpupulong kasama ang ilang opisyal sa barangay upang pag-usapan ang maaring gawin dito.
Gaya na laman ng paghingi ng tulong sa Department of Public Works and Highways, gaya na lamang sa mga dagdag na signages at iba pa.
Kaugnay nito, ibinahagi naman ng kapitan na ang ilan na nakakaranas ng aksidente ay mga hindi pamilyar sa kanilang kalsada, at mga mabilis magpatakbo.
Kaugnay nito, isa rin sa nakikitang sanhi sa mga aksidente ay mga truck na nakaparking sa gilid ng highway kaya gumagawa sila ng hakbang sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Public Order and Safety Officer sa bayan at mga kapulisan upang matulungan silang maclear ang obstruction na ito sa kalsada nila.
Samantala, patuloy naman ang ginagawa nilang checking sa kanilang mga CCTV at sa katunayan ay plano pa nila itong dagdagan, dahil mahalaga ito sa kanila lalo na sa mga imbestigasyon ng kapulisan sa mga insidente.
Paalala naman nito sa kanilang mga kabarangay at karatig bayan na ugaliing mag-ingat sa pagdaan sa kanilang kalsada upang hindi na madagdag ang mga naitatala nila aksidente dito.