DAGUPAN CITY— Miserableng buhay ang naghihitay ngayon kay dating US Pres. Donald Trump at kaniyang pamilya, matapos na maputol na ang termino nito bilang pangulo.
Ito ang inihayag ni Bombo International Correspondent Joey Omila, Director of Cultural Affairs of the Philippine Cultural Foundation, Inc., sa Tampa, Florida USA sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan.
Sa katunayan aniya ay sinalubong ang kaniyang buong pamilya sa kanilang West Palm Beach Resort ng kilos-protesta sa kanilang pagdating doon matapos na lisanin ang White House ilang oras bago ang Biden-Harris Inaguration noong Enero 20. Maliban dito kapansin-pansin din ang hindi nito pagsasagawa ng motorcade sa pag-alis sa Washington DC.
Bukod dito ayon kay Omila, samu’t-saring kaso din mula sa magkakaibang estado ang naghihintay hindi lamang sa dating pangulo kundi maging sa asawa at mga anak nito.
Paglalahad pa ni Omila, hindi bababa sa 58 kaso ang naghihintay sa pamilya Trump dahil sa maruming pagpapatakbo nila ng kanilang negosyo. Kung saan ang mga complainant ay hinintay lamang na matapos ang kaniyang termino bilang presidente.