Inakusahan ng pamilya ng isang dating punong barangay ang ilang pulis ng  “tanim ebidensiya” na nagsagawa ng search warrant sa loob ng tahanan nito sa Brgy Camanbugan Urbiztondo, Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Camanbugan Urbiztondo Brgy Captain Jackie  Ferrer,  October 18 nang ipatupad ng ilang kapulisan ang search warrant sa tahanan ng ama nito na si dating punong barangay Teofilo Ferrer ngunit naging kwestyunable aniya at kaduda duda ang isinagawang operasyon.

Bagamat nakauniporme ay nakasuot naman ang mga ito ng mask. Kaduda duda rin aniya ang kilos na nakita ng kaniyang asawa sa isang pulis na pumasok sa loob ng bahay at dumaan sa kusina ng tahanan.

--Ads--

Matapos nito ay lumapit ang pulis  sa isang kotse na nakaparada malapit sa bahay ng kaniyang ama at nakita itong nag thumbs up sa kasamang nakasakay doon.

Giit din niya na katatapos lamang maglinis ng kaniyang nanay sa loob ng bahay nang isagawa ang search warrant kaya labis nilang ipinagtataka ang pagkakatagpo sa lugar ng granada at baril ng mga pulis.

Bigo namang maaresto ng kapulisan ang nakatatandang Ferrer at base sa pahayag ng anak nito, matagal na itong hindi naninirahan sa kanilang bahay at matagal na ring hndi nakikita.

Nabatid na nakuha sa isinagawang search warrant ang   Cal 38 Revolver at hand grenade.