DAGUPAN CITY- Desidido na ang pamilya ng nasawing Grade 11 student sa Nueva Ecija na si Ren Joseph Bayan na sampahan ng kaso ang mga miyembro ng Tau Gama Fraternity na nagsagawa ng hazing.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jennifer Bayan, ang tyahin ng biktima, personal nilang kilala ang mga miyembro ng nasabing fraternity at nasa kaparehong barangay lamang nila ito. Maging ang mga nakaline-up din para sa initiation ay nakatira din sa kanilang lugar.
Hinihiling lamang nila ang buong kooperasyon ng mga ito upang pakinggan ang kanilang paliwanag kaugnay sa pangyayari subalit nagtatago na ang mga kinikilalang salarin. Natatakot din magsalita ang mga nakasama ng kanilang pamangkin sa initiation dahil maaaring may pagbabanta sa kanila.
Sinabihan na lamang din sila ng mga kapulisan na manatiling positibo dahil kanilang ginagawa na ang abot ng kanilang makakaya.
Labis naman ang hinagpis nilang magpamilya sa kinahinatnat ni Ren.
Samantala, sa pagsasalaysay ni Bayan, buong pinigilan nila si Ren na hindi na tumuloy sa pagdalo sa nasabing fraternity. Subalit, hindi ito nakinig at walang paabisong tumuloy.
Naibalik na lamang ang matigas na labi ng kanilang pamangkin nang iuwi ito ng mga miyembro ng fraternity.
Kapansin-pansin sa labi ng biktima ang labis na pambubugbog sa kaniya.
Kaugnay nito, lumabas naman sa autopsy na ang matinding pagdurugo ang naging sanhi ng pagkamatay nito,
pagdurugo.
Nananawagan naman ang pamilya ng biktima sa buong pagsuko ng mga miyembro ng Taum Gama Fraternity.