BOMBO DAGUPAN – Magsasagawa ng pagtitipon mamayang hapon ang pamilya at mga supporters ni Mary Jane Veloso bilang pasasalamat sa mga tumutulong para sa pagpapauwi sa kanya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Celia Veloso, ina ni Mary Jane ang Pinay na ilang taon nang nakakulong at hinatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa pagdadala ng ilegal na droga sa naturang bansa noong 2010, isasagawa ang pagtitipon bandang ala una hanggang ala 3 ng hapon.

Ayon kay Nanay Celia, gumagawa ng sulat ang mga supporters nila kay Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. at sa simbahan para sa tuluyang paguwi nito.

--Ads--

Muling sinabi ng kanyang ina na ipagluluto siya ng paborito niyang pagkain.

Hiniling naman ng kanyang ina na huwag nang ikulong ang anak pag uwi niya sa bansa.
Sa pag-uwi ni Veloso na wala pang tiyak na araw–sinasabing hindi pa siya malaya dahil ililipat lamang sa kulungan sa loob ng bansa

Nanawagan sila kay pangulong Marcos na hindi na ito ikukulong at kung mailipat man ng kulongan sa bansa ay huwag na sa Mandaluyong City dahil naroon ang kanyang recruiter na si Maria Kristina Sergio dahil may banta umano ito sa kaniyang buhay.