Dagupan City – Pansamantalang isasara ang Pamilihang Bayan ng Pozorrubio ngayong lunes, Hunyo 8, 2026, upang isagawa ang buwanang malawakang paglilinis at pagdidissinfect sa nasabing pasilidad.

Layunin nitong mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang buong palengke upang maiwasan ang mga sakit na maaring kumalat para mapangalagaan ang kapakanan hindi lang ng mga nagtitinda kundi lahat ng pumupunta rito.

Ayon sa abiso ng lokal na pamahalaan, ang hakbang ay bahagi ng patuloy na pagsisiguro sa kalinisan, kaligtasan, at kalusugan ng mga mamimili at nagtitinda sa lugar.

--Ads--

Magbubukas at babalik naman sa normal ang operasyon ng pamilihan kinabukasan, Martes, Hunyo 9, 2026.

Dahil dito, humingi naman ng pang-unawa at kooperasyon ang pamunuan ng bayan sa publiko upang matagumpay na maisagawa ang nasabing aktibidad.