Itinanghal bilang Miss Universe Philippines 2026 si Bea Millan-Windorski ng La Union sa katatapos lamang na coronation night ng prestihiyosong pageant.
Siya ay kinoronahan ng kanyang predecessor na si Ahtisa Manalo, na nagtapos bilang third runner-up sa Miss Universe 2025.
Idinaos ang final competition sa SM Mall of Asia Arena, kung saan nagsilbing host ang international drag superstar na si Marina Summers, na kilala bilang finalist sa Season 2 ng RuPaul’s Drag Race: UK vs. The World.
Kasama ni Bea sa Top 7 finalists ang kinatawan ng Cebu Province, Cebu City, Pampanga, Sultan Kudarat, Taguig, at Tarlac.
Bilang bagong reyna, kakatawanin niya ang Pilipinas sa ika-75 edisyon ng Miss Universe 2026 na gaganapin sa José Miguel Agrelot Coliseum sa San Juan, Puerto Rico.










