Dagupan City – Nanawagan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa pamahalaan ng agarang aksyon kaugnay sa ginagawang pagmamalabis ng mga dayuhan sa West Philippine Sea at Bajo De Masinloc.

Ayon kay Buddy France, Secretary General ng PAMALAKAYA, malinaw na ang ginagawa ng mga dayuhan ay isang ilegal na gawain dahil gumagamit sila ng cyanide na hindi makatutulong sa pag-unlad ng yamag dagat.

Kapag gumamit kasi aniya ng cyanide sa isang bahagi ng karagatan gaya na lamang sa bahagi ng West Philippine Sea, ay hindi lamang dito ang magiging apektado bagkos ay madadamay pa ang mga katabi nitong karagatan.

--Ads--

Binigyang diin din ni France na bigyang pangil ang batas sa bansa gaya na lamang ng batas sa ilalim ng Republic Act No. 10654 na siyang magiging panangga ng bansa laban sa mga dayuhan.

Lumalabas kasi aniya na puro na lang imbistigasyon ngunit wala namang pumapataw na aksyon at kaso sa mga ito kung kaya’t hanggang ngayon ay malaya pa rin silang gumawa ng ilegal.