Dagupan City – ‎Patuloy ang pangamba ng ilang residente sa Purok 4, Barangay Embarcadero sa bayan ng Mangaldan matapos ang sunod-sunod na ulat ng umano’y pamamato sa mga kabahayan na tatlong buwan ng nararanasan.

Ayon sa isang residenteng si nanay Juliet, hirap umano siyang makatulog dahil sa takot para sa kanyang kaligtasan at ng kanyang pamilya lalo na’t kamakailan lamang ay sumailalim siya sa operasyon na kinakailangang magpahinga.

‎Samantala, ayon kay Ate Remedios, unang pinuntirya ang kanilang bahay noong gabi ng Oktubre 28.

Nasundan ito ng magkasunod na insidente noong gabi ng Nobyembre 5 at Nobyembre 6.

Hanggang sa Noong gabi ng Nobyembre 9, sa kasagsagan ng bagyo doon na umano naaktuhan at nahuli ang lalaking nambabato umano sa kanilang bahay.

Dahil sa mga pamamatong ito, nasira ang kanilanh kusina, at hindi na alam ni Ate Remedios kung paano pa niya ipapaayos ang mga pinsala.

‎Tumanggi namang magpaunlak ng panayam ang lalaking itinuturong salarin sa pamamato pero ayon sa aming pag uusap mariin niyang itinatanggi ang mga alegasyon sakanya ng mga biktima.

Paliwanag niya, wala na umano siya sa lugar simula nung unang maaktuhan siya ng mga residente.

Bagay na hindi pinaniniwalaan ni ate remedios dahil naniniwala siyang may mga kasamahan umano ito na siyang nag uutos para ipagpatuloy ang pamamato.

‎Sa ngayon, may pabuyang 5,000 hanggang 10,000 piso ang sino mang makapagtutukoy kung sino ang nasa likod ng patuloy na pagbato sa mga kabahayan sa naturang barangay.