‘Racially Motivated’
Ayon kay Bombo International News Correspondent Atty. Arnedo Valera ito umano ang lantad na dahilan ng suspek sa walang habas na pamamaril sa mga African Americans sa Buffalo New York na nagresulta para sa sapung kataong nasawi .
Aniya na ang labing walong taong gulang na suspek na kinilalang si Payton Gendron ay naudyukan ng paniniwalang Replacement Theory.
Ito ay kung saan naniniwala ang isang tao na lumillit ang populasyon ng mga White Americans dahil sa paglaganap ng mga imigrante kaya’t gagawa sila ng mga paraan upang maitigil ito.
Matatandaang ang nasabing gunman ay pinupuntirya ang komunidad ng mga Black Americans base na rin sa naging imbestigasyon ng mga awtoridad.
Pagsasaad nito na malinaw na ang nasabing atake ay isang banta sa seguridad ng lahat ng mga imigrante kabilang na ang mga Filipino Americans.
Dagdag pa ni Atty. Valera na nangangailangan ng mas malawakang pagkilos para salungatin ang naturang teorya at dapat aniya ay maging vigilante ang tulad nilang mga imigrante nang hindi sila maging biktima ng mga kaso ng pamamaril.
Maging ang pagpapatupad rin umano ng batas para sa paggamit ng mga baril kung saan ay malilimitahan ang pagbili ng mga assault weapons na siyang gagamitin sa ilang mga kahalintulad na kaso.
Kung saan ay naitala lamang kaninang umaga ang pamamaril sa isang simbahan sa southern California kaninang umaga kung saan isa ang nasaw habang limang iba pa ang nasugatan.