“Walang kaugnayan sa terorismo.”
Ito ang paglilinaw ni Bombo International Correspondent Rosemarie Alonzo Christensen mula sa Denmark hingil sa nangyaring pamamaril sa isang mall na ikinasawi ng 3 katao.
Ayon kay Christensen, dumaranas umano ang 22 taong gulang na suspek ng psychiatric disorder at hindi motibo ng terorismo sa pamamaril nito.
Aniya, random ang naging target na mga biktima kung saan hindi umano ito isang indikasyon ng terror act.
Ligtas naman at walang pinoy ang nadamay sa nangyaring shooting incident.
Agad naman na umanong nahuli ang suspek matapos ang pamamaril at nasa kustudiya na ng mga kapulisan doon.
Matatandaang nasa 3 katao ang nasawi na isang 47 taong gulang na Russian citizen na naninirahan doon at 17-year old na lalaki at babaeng teenagers na manunuod umano sana ng concert ng Singer na si Harry Styles.