Iniutos ni PCOL Richmond L Tadina, Provincial Director, ng Pangasinan Police Provincial Office ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pamamaril sa isang kandidato sa pagkakonsehal sa bayan ng Malasiqui dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Nangyari ang insidente pasado alas 7 ng gabi nito ika-3 ng Abril, kung saan pinagbabaril ng mga hindipa nakikilalang mga suspek ang biktimang si Alexis Mamamril, 53 anyos, incumbent Barangay Kagawad, at kandidato sa pagka konsehal habang nakatayo sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. Talospatang, Malasiqui gamit ang caliber 45 pistol.

TInamaan ang biktima sa kanyang kanang cheek, sa may bandang dibdib at kanang braso.

--Ads--

Kaagad naman itong isinugod sa pinakamalapit na hospital.

Sa ngayon ay nanatili sa pagamutan sa Mamaril habang patuloy na inaalam ng pulisya kung may kinalaman ba sa nalalapit na halalan ang naturang insidente.

Nabatid din na nang gabing mangyari ang insidente ay naghahanda ang biktima para sa pagdalo sa kanyang campaign sorties.

Bumuo na ang PNP ng isang Special Investigation Task Group (SITG Mamaril) upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente.

Kasabay nito ay inalerto ng Pamunuan ng Pangasinan PNP ang lahat ng kapulisan na higpitan pa ang ginagawang pagbantay para mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lalawigan.