Patuloy na iniimbestigahan ang pamamaril na ikinasawi ng apat na katao at pagkasugat ng iba pa sa isang Hush Longue sa Alabama, USA.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mr. Isidro Madamba Jr., Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, nagtutulungan sa imbestigasyon ang mga police sa Birmingham, Federal Bureau of Investigation (FBI), at iba pang ahensiya ng gobyerno .

Ayon sa awtoridad, hindi lang isa o dalawa ang salarin o nagpaputok dahil marami ang naitalang multiple gunshots.

--Ads--

Napag-alaman din ng mga kinauukulan na ang ginamit na baril sa insidente ay mga glock switches machine gun, kung saan itinuturing itong automatic at semi-automatic kaya marami ang namatay at nasaugatan.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang motibo ng mga suspek sa krimen at hindi na nakilala ang mga ito dahil dali-daling nakatakas pagkatapos ng insidente.

Nagbigay na rin ng pabuya ang mga kinauukulan para sa impormasyon.