Mariing tinututulan ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya (PAMALAKAYA) ang reclamation sa Manila Bay.
Ayon kay Fernando Hicap, chairperson ng grupong PAMALAKAYA, direktang tatamaan ng reklamasyon ang kabuhayan at paninirahan ng mga mangingisda sa buong Manila Bay.
Nababahala din sila sa panibagong reclamation sa 575 ektarya ng Navotas Coastal bay para sa expansion ng isang proyekto ng isang malaking korporasyon.
Giit ni Hicap na kapag tinambakan ang mismong lugar ay wala na talahang mahuli ang mga mangingisda.
Dagdag pa niya na malaki nang ambag ng Manila Bay sa kabuoang produksyon ng isda sa bansa.
Isa aniya itong mayamang pangisdaaan sa bansa.
PInabulaanan din ni Hicap na patay na ang Manila Bay.
Aminado naman siyang polluted na ang ilang bahagi nito pero malinis sa laot.