BOMBO DAGUPANMaglulunsad ng buong gabing pagkilos sa Scarborough Shoal ang Pamalakaya at iba pang mga mangingisda upang ipanawagan ang pag-alis ng mga Chinese Enforcer sa teritoryo ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fernando Hicap, Chairperson ng Pamalakaya, bineripika ito sa naging public consultation ng mga mangingisda ng Zambales kahapon lamang.

Aniya, mariin nilang kinokondena ang panghaharass ng China Coast Guard sa Pilipinas kaya hindi nila susukuan ang paglaban sa West Philippine Sea

--Ads--

Maliban diyan, sinusuportahan din nila sa nangyaring public consultation ang pagsasabatas sa pagresolba ng suliraning kinakaharap ng bansa sa West Philippines Sea

Kaya importante aniya ang pagkakaroon ng public hearing upang madinig ang panawagan ng mga sektor ng mangingisda.

Napakahalaga kase sa pangisdaan ng bansa ang patuloy na paglaban sa West Philippine Sea para sa tiyak na pagkukunan ng suplay ng pagkain ng mga mamamayang Pilipino.

Nabubugaw kase aniya ng China ang mga isdang nahuhuli sa nasabing karagatan.