Iminungkahi ng isang opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang pagkakaroon ng iisa o uniform na mapa para sa lupang pagmamay-ari ng bawat munisipyo at probinsya sa Pilipinas.

Ayon kay Pangasinan 5th District Board Member Nicholi Jan Louie Sison, ito ay upang malaman kung sino lamang ang dapat na magkaroon ng prebilihiyo sa bawat teritoryo.

Kaugnay ito sa idinulog ng LGU Sison na extractions ng quarry material sa brgy Dungon kung saan may overlapping ng operasyon at hindi nagbabayad ng kaukulang buwis ang mga quarry operators.

--Ads--

Batay sa iprenesinta ng Lokal na Pamahalaan, ang permit ng mga nagku-quarry ay sa La Union government nagbabayad ngunit ang kanilang pinaghuhukayan ay pagmamay ari ng Sison.

Matatandaan na inimbita nila ang ilang mga eksperto kaugnay sa usapin para mapaliwanagan sa boundary at hurisdiksyon ng bawat probinsiya sa isinagawang regular session ng Sangguniang Panlalawigan.

Dagdag pa ni Board Member Sison, may iba’t ibang mapa na nagsisilbing reference na iba rin sa geological landscape ng probinsya kaya’t nais malaman at maliwanagan ang mga hurisdiksyon.

Aniya, nais lamang ng Sangguniang Panlalawigan na maisaayos ang lahat, magbayad ng permit at buwis sa tamang pamahalaan na nakakasakop ng quarry operation.