Dagupan City – Nananatili pa ring generally peacefull ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan kaya hindi kailangang magtaas ng seguridad.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, bagama’t may mga naitatalang vulnerable crimes o ilang isolated incidents sa lalawigan, lalo na sa paligid ng Provincial Capitol, patuloy namang ginagampanan ng hanay ng kapulisan ang kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Dagdag pa ni Lambino, patuloy ding tumataas ang augmentation of resources ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), dahilan upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang insidente.

--Ads--

Dahil dito, tiniyak ng pamahalaang panlalawigan na walang dapat ikabahala ang publiko sa usapin ng seguridad sa Pangasinan.