Dagupan City – Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang isang corporate farming project na sumasaklaw sa mahigit isang libong ektarya ng pinagsama-samang palaisdaan sa lalawigan.
Ayon kay Atty. Manuel “Manny” Luis Jr., Provincial Administrator ng Pangasinan, layunin ng proyekto na matiyak ang sapat at tuluy-tuloy na produksyon ng bangus sa Pangasinan upang lalo pang mapalakas ang industriya ng pangisdaan at mabawasan ang pangamba at pag-aalinlangan ng mga mangingisda sa kanilang kabuhayan.
Ayon pa kay Atty. Luis, ang nasabing programa ay pangunahing inilaan para sa mga fisherfolk, upang mapagaan ang kanilang trabaho at matulungan silang mapalago at mabawi ang kanilang puhunan.
Sa pamamagitan nito, mararamdaman umano ng mga mangingisda na may kaagapay silang pamahalaan na handang makinig at umaksyon para sa kanilang kapakanan.










